Wednesday, August 26, 2009

Juana-be-MTV-Talent - TINDIGNATION!





hi mga kapatid!

kami sa juana change team ay humihingi ng inyong tulong. this sunday aug 30 ay gagawa na naman kami ng video. this time ito ay isang mtv ng juana change song. kinanta ko ito nung launch natin ng tindignation kung naaalala nyo pa.


ang ideya nito ay gumagapang sa kahirapan ang iba't-ibang sektor ng ating lipunan. ang mga urban poor, magsasaka, mga empleyado at mga estudyante to name a few. at habang literal na gumagapang ay makikita ang mga taong may ulong buwaya na nakatayo habang padaan-daan si GMA.


sa dulo ay makikitang tumitindig ang taong bayan laban sa katiwalian ng ating gobyerno. sa bawat eksena ay makikita si juana change sa piling ng bawat sektor sa iba't iba nyang pagkatao. at sa ending sya ay magiging si JUARNA( juana change version ni darna.)


maari ko po kayong anyayayahan na maging talent sa shooting na ito? sana ang bawat grupo na kasapi sa tindignation ay makapagpadala ng mga dalawampu mula sa inyong hanay. kung mas marami mas masaya. sori po pero di namin kayang magbigay ng honorium o pamasahe. pwede po bang kkp? kanya-kanyang pamasahe?


sa mga nais tumulong, magkita po tayo ng alas sais ng umaga sa estatwa ni ninoy sa ayala. kailangan ko pong idiin ang pagdating sa eksaktong oras dahil binigyan po tayo ng permit ng makati at ayala ng hanggang alas nueve lamang ng umaga. ipapasara po kasi nila ito sa trapik habang tayo ay nagshu-shooting.


magsuot po ng plain na mga kasuotan na ang mga kulay ay asul, dilaw, pula, at puti para sa big scene. magdala po ng two sets ng cotume. sana ang isa ay mukhang pang opisina. ang kulay naman nito ay from grey to black. itong pangalawa ay para sa eksena ng mga empleyado. kung meron lang naman. at kung kayo ay kabataan pwede din magsuot pang eskwela, uniporme man yun o casual.


sana po ay malaman ko ang inyong kasagutan kung anong grupo po kayo at ilan ang makakadalo dito sa ating e-group. the more the merrier!

nais ko ring ipaalam sa inyo na makakasama natin dito sina ging deles, dinky soliman, riza hontiveros, walden bello, nene guevarra, ronald, bobbit librojo, gina dela cruz, karen tanada, teddy, neric acosta, satur ocampo, liza masa, ted casino, nato reyes, carol araullo, jim paredes, leah navarro, edru abraham, at jun lozada. maaari pa po itong madagdagan.

maraming-marami pong salamat!

umaasa sa inyong tulong,


mae paner aka juana change
[maepaner@gmail.com]

1 comment:

Manilenya said...

Napanood ko na yung video, klasik! Galing!