Katarungan para kay Ka Rene Peñas!
Mula sa aking email: Gari Lazaro posted an announcement to the cause Justice to Ka Rene Peñas, Justice to All Farmers!. ---------------- Magandang Gabi sa Lahat! Habang sinusulat ko ito ay patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga solidarity statements para kundenahin ang brutal na pagpaslang kay Ka Rene Peñas. Kanina ay nagpahayag na ng pormal sa kanilang kundemnasyon ang lider ng Kaya Natin!, Bro. Eddie Villanueva ng Bagong Pilipinas Movement, Sen. Mar Roxas ng Liberal Party at Bishop Broderick Pabillo ng CBCP-NASSA/Archdiocese of Manila. Natapos na rin ang sinasagawang Factfinding ng Balaod Mindanaw hinggil sa pagkamatay ni Ka Rene at para sa kabuuan ng report ay maaring basahin rito: http://landwatch.i.ph/blogs/landwatch/2009/06/07/balaod-mindanaw-fact-finding-team-on-the-death-of-ka-rene-penas/ . Gayundin, bukas ng umaga (Hunyo 8) ay magsasagawa ng PRESS CONFERENCE upang ibahagi ang resulta ng Fact Finding at ang planong dalhin sa Maynila ang katawan ni Ka Rene para sa apat na araw na lu...