LP -Mahalagang Regalo: Mata
Kagabi nanood ako ng concert para sa selebrasyon ng 60th Anniversary ng Universal Declaration of Human Rights. Humanga ako sa mga bulag na nag-perform ng drums. Bagamat hindi sila nakakakita matalas naman ang kanilang kakayahan tumugtog ng drums. Subalit gawa ng kanilang kapansanan hindi nila nararanasan na tumangkilik ng ibang bagay tulad ng ganda ng isang larawan o kaya malasin at danasin ang kapayapaan dulot ng magandang tanawin. Kung kaya't malaking pasalamat nating mga litratista na kaya nating tangkilikin ang magagandang bagay o kaya i-capture ang mga larawan na nagdudulot sa atin ng kasiyahan.