Tahimik, atbp...
Unang LP Entry sa taong 2010... Tahimik, nagpapahinga at panandaliang nakaidlip si Zel Kim sa tabi ng malamig at banayad na umaagos na sapa ng Hwaseong Fortress mula sa mahaba at mataas na akyatan noong ikatlong Photowalk ng Filipino Photographers in South Korea ( FILIPOS ) nitong nakalipas na Linggo 17 ng Oktubre. Siya ang kaunahang miyembro na Pilipinang nakapag-asawa ng Koreano dahil karamihan sa mga kasapi ay mga Pilipinong migrtanteng mangagagawang o di kaya mag-aaral. Inaanyayahan ang mga Pilipino mahilig sa photography na nasa Korea na sumapi sa FILIPOS. Paanyaya pa rin para sa patimpalak ng Philippine Expats/OFW Blog Awards ( PEBA ) Photo Contest. Ang mga detalye ay matatagpuan sa link na ito sa Facebook: http://www.facebook.com/peterahon?v=wall&ref=notif¬if_t=share_wall_create#!/notes/peba-inc-pinoy-expatsofw-blog-awards/peba-2010-international-photo-contest-entry-submission-until-nov-30/126735520713316 Sali po kayo!