Mabuhay ang Kalayaan ?

(Larawan kuha sa Plaza ng siyudad ng Maynila) 110 (isang daat sampung) Taong Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas. Sadya nga bang malaya ang bansa. Bakit maraming batang gusgusin at palaboy sa lansangan habang humihitit ng rugby? Bakit marami pa rin mga pulubi ang namamalimos sa kalsada? Bakit tinangay ng mama ang bag ng kawawang aleng namimili ng gamit ng kaniyang anak para sa darating na pasukan? Bakit mausok at lubak-lubak ang mga kalsadang madungis? Maraming bakit? Maraming tanong? Dapat nga bang magbunyi? Malaya ako at tunay na may kalayaan kung sa aking mga pagtatanong ay may malinaw na kasagutan lalo na ang pamahalaan na maibsan ang pagdarahop at pagkaduhagi ng taong bayan. Malaya ka ba Pilipino, malaya ba ang mahal mong Inang Bayan?