2nd Litratong Pinoy Entry - Mahal na Ina (Beloved Mother)

Ito ang aking pangalawang entry para sa Litratong Pinoy. Ang monumento ay alay sa lahat ng mga bayani ng May 18, 1980 Demokratikong Pag-aaklas ng Gwangju na kialala sa bansag na 518. Ang monumentong ito ay matatagpuan sa Parke ng 518 sa Gwangju, Korea. Sumasagisag ang monumento sa isang ina na buhat ang namatay na anak na nag-alay ng kaniyang buhay para sa demokrasya, kapayapaan at karapatang pantao. Sa likod ng monumento ay mga pangalan ng iba pang mamayan na nag-buwis ng kanilang buhay para sa kanilang Inang Bayan. Ang 518 ay mahalaga sa kasaysayan ng Korea na nagbunsod ng demokratisasyon o kalayaan mula sa batas militar at diktadurang pamamahala. Sa kasalukuyan ang Gwangju ay pinatatanyag bilang isang mahalagang lugar ng demokratisasyon sa Asya. Ngayong buwan ng Mayo muling gugunitain ng May 18 Memorial Foundation ang ika-28 Anibersaryo ng 1980 Demokratikong Pag-aaklas ng Gwangju. (This is my second entry to Litratong Pinoy. This monument is dedicated to all the heroes of the May 1...