LP -Mahalagang Regalo: Mata




Kagabi nanood ako ng concert para sa selebrasyon ng 60th Anniversary ng Universal Declaration of Human Rights. Humanga ako sa mga bulag na nag-perform ng drums. Bagamat hindi sila nakakakita matalas naman ang kanilang kakayahan tumugtog ng drums. Subalit gawa ng kanilang kapansanan hindi nila nararanasan na tumangkilik ng ibang bagay tulad ng ganda ng isang larawan o kaya malasin at danasin ang kapayapaan dulot ng magandang tanawin.

Kung kaya't malaking pasalamat nating mga litratista na kaya nating tangkilikin ang magagandang bagay o kaya i-capture ang mga larawan na nagdudulot sa atin ng kasiyahan.

Comments

Anonymous saidā€¦
Madalas kasi di natin gaanong pinapahalagahan kung ano ang meron tayo hanggang sa mawala ito sa atin. Isa itong paalala sa atin na matutong laging magpasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap. Happy LP!
Anonymous saidā€¦
tumpak! mahusay na lahok! happy LP!
Anonymous saidā€¦
Totoo yan! Kailan lang may napanood ako sa tv napapatungkol sa isang bulag at sa buhay buhay nya araw araw.Documentaries kunbaga.May special na aso syang gabay tuwing lalabas sya at tumutulong din yung aso sa mga simpleng bagay sa kanya tulad ng pag bubukas at pag sasara ng pinto ng kwarto o cabinet.Galeng ng aso! Nalungkot ako sa sitwasyon ng babae at napapa isip ako ng malalim na kaswerte nga naman natin na may mga mata tayo,na naging gabay natin sa araw araw at sa ating mundong kinagalawan.
Anonymous saidā€¦
Totoo yan, sa labo ng mata ko,alam ko ang ibig mong sabihin :D
linnor saidā€¦
di ko agad naisip ang tungkol sa ating mga mata... salamat at wala tayong kapansanan...
Anonymous saidā€¦
Ay oo naman, mahirap mawalan ng paningin. Kaya talagang ako ay humahanga sa mga bulag na kayang kayang mabuhay.

Ang aking lahok ay na-post dito. Sana makadaan ka. Happy Huwebes!
Tanchi saidā€¦
maswerte tayo at nabigyan tayo ng mga matang maayos:)

maligayang LP;)
nandito ang entry ko:

http://asouthernshutter.com
Anonymous saidā€¦
mata rin ang pinka importanteng bahagi sa akin... happy huwebes... :)
Unknown saidā€¦
tama ka! most of the time, di natin naa-appreciate ang kung anong meron tayo. we dwell on what we don't have. great post!
HiPnCooLMoMMa saidā€¦
isa din yan sa pinakamahalagang regalo na ating natanggap, nakakapag appreciate tayo ng kung ano mang bagay sa paligid natin

http://hipncoolmomma.com/2008/12/mahalagang-regalo-30th-litratong-pinoy/
Anonymous saidā€¦
kung minsan nakakalimutan talaga natin kung gaano tayo kaswerte dahil nabiyayaan tayo ng mga bagay na wala sa iba :)

MAHALAGANG REGALO
Marites saidā€¦
oo nga...naranasan ko ang magkaroon ng mahinang mata at nang ako'y nagpa-opera ilang taon na ang nakaraan, doon ko napagtanto na kakaiba ang may maayos na mata kaysa sa malabo ang paningin.
Anonymous saidā€¦
Oo isang malaking pasasalamat sa Diyos na binigyan nya tayo nito! Pero kahit kulang sila nito, marami pa din silang magagandang regalong natanggap, gaya ng talento. Happy LP!
Anonymous saidā€¦
Mahirap mamuhay ng walang nakikita. Tama ka, mata ay mahalaga!
Anonymous saidā€¦
i agree. nagpapasalamat din ako hindi lang para sa mata, kundi sa ability na maka-appreciate ng maganda, diba? :) HAPPY LP!!!
purplesea saidā€¦
oo nga naman, lalo na sa ating mahilig mag-litrato, napakahalaga ng ating mga mata.
Bella Sweet Cakes saidā€¦
To see the beauty of our world is amazing... Korek ka dyan kapatid!!! ako rin ay may lahok ,, maari mongmakita
Anonymous saidā€¦
Bigka ko tuloy naalala na lumalabo na ang aking mga mata. Ngayon ay gumagamit na ng reading glass huhuhuhu...
Unknown saidā€¦
Hi!
I'm running a website related to Korea and English.
Now we opened a new section named 'English Bloggers'.
This section introduces Korea-related bloggers' articles with their blogs URLs.
You can post one of your favorite articles along with your blog name and URL, or by asking me.
I bet it'll help promote your blog and be visited by more readers who want to enjoy your writings.
If you are interested, please visit www.KoreanESL.com or email me.
No registration required.
Thanks!
Rick Park (info@koreanesl.com)
Niar saidā€¦
beautiful flower pete,
happy anniversary UDHR

Popular posts from this blog

2013 Month of Overseas Filipinos - Davao Regional Forum

Pepero Day 2008

Happy Birthday Buddha!