Invitation for a Public Mass against Corruption and Illegal Drugs

Below is an email inviting the public for a public mass to denounce the alleged involvement of public officials in different government agencies in corruption and illegal drugs and in support of PDEA officials. This is one of the current controversies that have rock the country, that GMA herself took the rein to be on top on this issue of illegal drugs.

A mobile-text version of this email is circulating as well. Please forward the text message, this invite and support this cause.




Mamamayan Ayaw sa Suhulan at Ilegal na Droga (MASID)


Ika-22 ng Enero, 2009
PAANYAYA PARA SA LAHAT



Pagbati!



Noong Enero 22, 2009, nagkaroon ng maikling talakayan ang ilang mga indibidwal at mga kinatawan ng ilang mga NGO at PO na ginanap sa Phildrra Building sa Quezon City ukol sa umiinit na usapin ng ilegal na droga at korupsiyon bunga ng tinatawag na Alabang Boys controversy. Nagresulta ang talakayan sa pagkakasundo na kailangang magsagawa ng mga pagkilos patungkol sa dalawang mahalaga at kagyat na isyu sa ating lipunan na tinatawag ding NARCO-POLITICS. Binigyang halaga sa pag-uusap ang pagbabantay sa mga proseso ng mga isinasagawang imbestigasyon ukol sa suhulan sa Alabang Boys upang matiyak na makamit ang tunay na hustisya at maparusahan ang nagkasala at mapataas ang kamalayan ng mga tao sa usapin ng lumalalang ilegal na droga at korupsiyon sa gobyerno.



Upang mayroong magamit na pansamantalang pangalan ang grupo para sa pagpapatawag ng mga susunod pang konsultasyon at talakayan sa mas marami pang samahan at indibidwal ay iminungkahi na tawagin muna ang panimulang grupo na MASID. At bilang panimulang gawain ay magkakaroon ng selebrasyon ng Banal na Misa at maikling programa sa ika-27 ng Enero, 2009, sa ganap na ika-9:00 ng umaga, Martes, sa PDEA, NIA Road, Quezon City na pangungunahan Bishop Pavillo.



Kung kaya, malugod ka naming inaanyayahan sampu ng iyong mga kasamahan sa inyong institusyon o samahan na makiisa sa gaganaping pagdiriwang. Maaari ninyo kaming makontak para sa inyong kumpirmasyon sa 0907426-9430.



Marami pong salamat!



...PAKI-FORWARD SA IBA PA!



Emmanuel L. Marcelino
Community Organizer
MN 09193150710

Comments

Popular posts from this blog

2013 Month of Overseas Filipinos - Davao Regional Forum

Happy Birthday Buddha!

LP -Mahalagang Regalo: Mata