Pahayag ni Pangulong Aquino ukol sa abolisyon ng PDAF
Pahayag ni Pangulong Aquino ukol sa abolisyon ng PDAF, ika-23 ng Agosto 2013 Kagalang-galang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Pahayag Ukol sa abolisyon ng PDAF at mga reporma sa pagbabadyet [ Inihayag sa Bulwagang Kalayaan, Palasyo ng Malacañan, noong ika-23 ng Agosto 2013 ] Taong 1990 nang binuo ang tinatawag na nating PDAF ngayon para sa isang marangal na layunin: Ang bigyang-lakas ang inyong mga Kinatawan sa Kongreso, upang tumukoy ng mga proyektong hindi kayang pondohan ng mga local government units. Wala pong mali o masama sa polisiyang ito. Ang mali, ang masama, at ang siya ngang ikinagagalit ng taumbayan, ay ang pagsasabwatan sa pagitan ng isang pangulong handang makipagtransaksyon para manatili sa kapangyarihan; mga mambabatas handang makipagkuntsabahan; at kung nariyan ang kooperasyon ng burukrasya; at mga mamamayang tila namanhid na sa panlalapastangang ginagawa sa kanila–kung nagsama-sama po ang mga sangkap na ito, maaaring maabuso ang PDAF. Kaila...