2nd Litratong Pinoy Entry - Mahal na Ina (Beloved Mother)
Ito ang aking pangalawang entry para sa Litratong Pinoy. Ang monumento ay alay sa lahat ng mga bayani ng May 18, 1980 Demokratikong Pag-aaklas ng Gwangju na kialala sa bansag na 518. Ang monumentong ito ay matatagpuan sa Parke ng 518 sa Gwangju, Korea. Sumasagisag ang monumento sa isang ina na buhat ang namatay na anak na nag-alay ng kaniyang buhay para sa demokrasya, kapayapaan at karapatang pantao. Sa likod ng monumento ay mga pangalan ng iba pang mamayan na nag-buwis ng kanilang buhay para sa kanilang Inang Bayan. Ang 518 ay mahalaga sa kasaysayan ng Korea na nagbunsod ng demokratisasyon o kalayaan mula sa batas militar at diktadurang pamamahala. Sa kasalukuyan ang Gwangju ay pinatatanyag bilang isang mahalagang lugar ng demokratisasyon sa Asya. Ngayong buwan ng Mayo muling gugunitain ng May 18 Memorial Foundation ang ika-28 Anibersaryo ng 1980 Demokratikong Pag-aaklas ng Gwangju.
(This is my second entry to Litratong Pinoy. This monument is dedicated to all the heroes of the May 18, 1980 Gwangju Democratic Uprising, popularly known as 518. This monument is located at the 518 Park in Gwangju Korea. The monument depicts that of a mother carrying her dead son, a sacrificial lamb for human rights, peace and democracy. The 518 is regarded in Korean history as a watershed to democratization in Korea. Today Gwangju is promoted as one of Asia's hub for democracy. The May 18 Memorial Foundation commemorates this month the 28th Anniversary of the 1980 Gwangju Democratic Uprising.)
I am posting here the poem of Andress Bonifacio, Filipino revolutionary hero against the Spanish colonial rule in the early 1900. The poem depicts his love for Philippines, his beloved motherland. Below is a rendition of the poem into a song taken from you tube (posted by selvo68).
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa,
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop.
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod:
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot
Ang nakaraang panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin
Liban pa sa bayan saan tatanghalin?
Sa aba ng abang mawalay sa bayan
Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
Walang alaalang inaasam-asam
Kundi ang makita lupang tinubuan.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
Kahoy niyaring buhay na nilanta’t sukat
Ng bala-balaki’t makapal na hirap
Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag
Ipakahandog-handog ang buong pag-ibig
Hanggang sa may dugo’y ubusing itigis
Kung sa pagtatanggol buhay ang kapalit
Ito’y kapalaran at tunay na langit
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa wala na nga wala
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.
Comments
Kalungkot naman...
magandang huwebes sa'yo...
Nagustuhan ko ang lahok mo ngayon, lalo na ang pagbanggit mo sa tula ni Gat Andres... ung kanta niya, nakakapanindig balahibo talaga pero nakakabuhay ng pagiging makabayan! =)
Maligayang araw sa iyo.
Maligayang pagsali nga pala sa litratong Pinoy!
so sad.. T_T
i like your phot for this week...ang ganda ng sculpture...
ganda!!
happy huwebes...:)
napakagandang lahok..sa susunod na Huwebes ulit!
natutuwa ako dahil may bagong motivation ako ngayon sa pag-blog sa pamamagitan ng Litratong Pinoy.
Mabuhay po tayong lahat!
gandang LP sa iyo!