Mabuhay ang Kalayaan ?

(Larawan kuha sa Plaza ng siyudad ng Maynila)

110 (isang daat sampung) Taong Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas.

Sadya nga bang malaya ang bansa. Bakit maraming batang gusgusin at palaboy sa lansangan habang humihitit ng rugby? Bakit marami pa rin mga pulubi ang namamalimos sa kalsada? Bakit tinangay ng mama ang bag ng kawawang aleng namimili ng gamit ng kaniyang anak para sa darating na pasukan? Bakit mausok at lubak-lubak ang mga kalsadang madungis? Maraming bakit? Maraming tanong? Dapat nga bang magbunyi?

Malaya ako at tunay na may kalayaan kung sa aking mga pagtatanong ay may malinaw na kasagutan lalo na ang pamahalaan na maibsan ang pagdarahop at pagkaduhagi ng taong bayan.

Malaya ka ba Pilipino, malaya ba ang mahal mong Inang Bayan?

Comments

Anonymous said…
mahirap ngang sagutin ang mga katanungan mo, malungkot pero totoo...
Anonymous said…
matagal ko na tina-target kunan ng litrato yang lahok mo, actually request ng sister ko, 100 years na inabot hindi ko pa din nakukunan
Anonymous said…
Nakikiisa ako sa mga damdaming isinulat mo sa iyong akda, G Pete. Kailan nga kaya tayo magiging tunay na malaya?
Dr. Emer said…
Ibinenta, hindi pinalaya.

Ipinagbili tayo ng mga Kastila sa mga Amerikano. Yan ang nakatala sa kasaysayan. Moro-moro lang ang labanan nila.
Joy said…
Ano nga ba ang tunay na kalayaan?
Maligayang LP!
Anonymous said…
Ang ganda naman ng monumentong iyan... talagang kuhang-kuha niya ang hirap ng ating mga ninuno upang makamtan ang ating kalayaan.

Buti naman at mukhang masaya ang inyong EB.

Happy LP!
Anonymous said…
nakakalungkot ang mga tanong mo, Pete :(

hay Pilipinas, kelan ka pa makakalaya?!
Anonymous said…
ey pete, had a great time, hanggang saan kayo umabot? hehe. maligayang araw ng kalayaan...:)
lidsƜ said…
nakakalungkot ngunit talagang hindi katumbas ng kalayaan ang kaginhawaan...
magandang huwebes sa'yo...
Anonymous said…
malaya nga ba? hay! dami pa din katanungan...

salamat sa mga larawang iyong ibinahagi...kahit paano'y parang nakikita ko na rin ang itsura ng ating bansa.
emotera said…
na miss ko tuloy ang pagpunta sa manila dahil nakita ko ito...

happy huwebes...:)
Anonymous said…
kapapanood ko lang kagabi ng special screening ng pelikulang "Crossing"... tungkol ito sa mga tao sa north korea... at naisip ko na wala halos pinagkaiba ang buhay nila sa buhay ng iba nating kababayan... pero nahigitan natin sila dahil tayo may pag-asa kahit papaano...
Anonymous said…
ang galing naman ng pagkashot,pwede ng gawing post card.
Dragon Lady said…
hi g. pete! ipagpaumanhin na ako'y di na nakasama sa ating EB... sana po ay makasama ako sa uulitin.

ang ganda nang kuha mo at makahulugan rin ang iyong akda. :)

isang mapagpalayang huwebes sa iyo!
Tes Tirol said…
naku, mukhang nag-enjoy kayo sa EB nyo kahit tatlo lang kayo. ang gaganda ng shots nyo!

happy lp!
Anonymous said…
Salamat ulet for the fun EB! Ingat on your way back to Korea and it was really nice meeting you!

Happy LP! At maligyang araw ng kalayaan!

http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan.html
Anonymous said…
malalim ang mga sagot sa iyong tanong. kulang ang isang pahina ng comment box. ha ha.

happy weekend sa yo! maligayang araw ng kalayaan din! :)

Strawberrygurl: LP11 Kalayaan
BusyMom: LP1 Kalayaan
Lizeth said…
sadya lamang mahirap ang buhay sa pilipinas, kung kaya't kailangan ng ibayong pagsisikap.

Popular posts from this blog

2013 Month of Overseas Filipinos - Davao Regional Forum

Happy Birthday Buddha!

Ihip ng Hangin - Saranggola ni Pepe