Urban Poor Groups Meet Mar Roxas




More than 300 members and leaders of Urban Poor Groups assisted by Tricor (CO Multiversity, COPE and UPA) met today Sen. Mar Roxas at Bahay Ugnayan, Araneta Center, Cubao, Quezon City. The originally set 45-minute meeting was extended to more than two hours when the urban poor groups sufffering from threat of evictions engaged the senator into discussion.






KARTILYA NG MARALITANG TAGA-LUNGSOD
2009

Una at pangunahin sa lahat ang maralitang taga-lungsod ay nararapat bigyan ng isang pagtrato na may respeto tulad ng respetong meron ang isang mamamayang Pilipino. Katulad ng tinuran ng Obispong Katoliko, “Ang ating mga maralitang taga- lungsod, bilang mga tao at anak ng Diyos, ay may karapatan para sa malinis at murang patubig, disenteng pabahay, karapatan sa pamayanang ligtas sa anumang klaseng sakit dulot ng hindi maunlad na sistemang patubig at pangangalaga sa basura.”

Ating inoorganisa ang ating hanay at mga samahan upang ang ating mga tinig ay marinig sa panahong nagbubuo ng mga pagpapasya. Ibig nating makilahok sa pagbubuo ng mga kapasyahan kasabay ng ibang mamamayan. Ibig nating makibahagi sa kapangyarihan meron ang isang siyudad.

Ang mga sumusunod ang mga ibig nating mangyari at maisagawa:

1.Itigil ang lahat ng iligal at pwersahang pagigiba. Lalo’t higit kung walang ibibigay na maayos na relokasyon.
Ang mga iligal na pagigiba na ito ay hindi makatao, hindi kinakailangan at walang dahilan upang isagawa; hindi ito ang kalutasan ng problema, nagdudulot lamang ito ng higit na kapabayaan at pagdurusa, nilalabag nito ang karapatang pantao at karapatan sa pabahay at nagdudulot ito ng pinsala sa ekonomiya ng lungsod.


2.Kailangan natin ang lugar sa loob ng siyudad.

Ang ating Konstitusyon ay nagsabi. “Dapat magsagawa ang estado, sa pamamagitan ng batas at para sa kabutihan ng lahat, sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor ng tuluy-tuloy na programa kaugnay sa repormang palupa at pabahay sa lungsod na magbibigay ng abot-kayang disenteng pabahay na may mga pangunahing batayang serbisyo para sa mga kapos at walang tirahang mamamayan sa sentrong lungsod at mga lugar na relokasyon.” (Art.XIII, Seksyon 9)





Paano ito maisasagawa:

• Ang pamahalaan ay dapat na patuloy na mag-proklama ng mga lupa para sa pabahay ng maralita.

• Ang mga lupang pag-aari ng gobyerno na hindi na ginagamit o pinakikinabangan sa loob ng 10 taon ay dapat ng ipagbili sa mga maralita sa abot-kayang halaga, ayon sa sinasabi ng batas ng Urban Development and Housing Act.

• Ang mga relokasyon ay dapat sa loob na lamang ng siyudad o malapit sa siyudad, kung hindi man ay doon sa abot-kayang layo ng biyahe

• Ang pamahalaan ay dapat lamang magbigay ng katiyakan sa paninirahan sa lahat ng mahihirap na pamilya. Ang katiyakang ito ng paninirahan ay mahalagang batayan ng pag-unlad (UN Habitat).

• Palawakin ang Community Mortgage Program at gawing de-sentralisado ang operasyon nito.

• Ang hanapbuhay at trabaho ng maralita ay matatagpuan sa siyudad. Kaya dapat ay naroon din ang mga mamamayan na ito.


3.Pondo para sa Pabahay

Ang ating adbokasiya ay maitayo ang isang komite sa ilalim ng Opisina ng Pangulo, ang mga nakapaloob sa komite na ito ay ang simbahan, pamahalaan at pribadong sektor, na siyang titingin sa gamit ng pondo para sa panlipunang pabahay, pagpapaunlad ng pamayanan at iba pang proyektong itinalaga para sa mga mahihirap. Ang mamumuno dito ay mula sa pribadong sektor. Ang gawain ng komite na ito ay maari pang dagdagan ng iba pang gawain tulad ng plano para sa lungsod, ebalwasyon sa takbo ng programa at adbokasiya.

Ang Social Housing Finance Corporation ay maaring maging ganap na lugar ng ugnayan, kung mabibigyan ng tamang liderato, higit na papel at kinatawan ang mga sibilyang mamamayan at maralita






4. Relokasyon

Bago magkaroon ng pagpapaalis para sa mga proyektong imprastraktura, pagpapaganda at iba pang dahilan; ang mga panukalang proyektong imprastraktura ay dapat masusing pag-aralan upang tingnan kung ito ay kapaki-pakinabang sa kabutihan ng lahat upang matiyak na makatarungan ang gagawing pagbabakalas ng libu-libong pamilya. Halimbawa, ang proyekto bang pagdurugtong ng C-5 ay napakahalaga sa mamamayan ng Metro Manila, kung kaya kailangan alisin ang higit sa 30,000 pamilya na naninirahan dito? Makakabawas ba sa problema ng trapiko ang mga alternatibong ruta? May mga imprastrakturang nakakatulong, samantalang mayroon ding hindi.

Ang mga usapain kaugnay ng “danger areas” ay dapat na marepaso. Ang mga sinasabing mga delikadong lugar na ito kung pag-aaralan lamang ay maari ring maging lugar para sa programang pabahay kung gugustuhin lamang ng pamahalaan, tulad ng kaso ng “Home Along Da Riles”. Ang mga baybaying ilog at esteros ay maaring maging isang magandang pamayanan. Ang gantiong pabahay ay ginawa na sa Indonesia, Thailand, Florence, Italy, the Netherlands at marami pang ibang bansa.


5.Batayang Serbisyo

Trabaho. Kailangan natin ang trabaho. Isang halimbawa ng ating magagawa, maari tayong maglinis ng mga daanan ng tubig, tulad ng naging plano ng Unang Ginang noon na si Amelita Ramos. Maari tayong gumawa ng kahit na anong pampublikong gawain. Ang mga manininda sa bangketa ay maaring isaayos, lagyan ng tamang lugar at oras sa kanilang panindahan. Maaari nating aralin ang ginawa ng bansang Thailand at iba pang bansa sa usaping ito.

Tubig at Kuryente. Ang bawat pamilya at may karapatan para sa isang malinis at murang serbisyo ng patubig at kuryente. Madalas ang mga tao ay tinatakot ng mga sabit sa barangay na siyang namamahala ng mga serbisyong ito, na sumisingil ng apat hangang pitong doble ng halaga na orihinal na ipinapataw ng Meralco at Manila Water/Maynilad. Ang mga taong ito ay dapat na maaresto. Ang mga naghahatid serbisyo ay iminumungkahi na babaan ang singil at/o magbuo ng eskema ng pagbabayad na maaring hati-hatiin sa ilang panahon.

Pagpapaunlad ng Pamayanan. Ang lahat ng lugar ng mahihirap ay dapat paunlarin sa loob ng anim na taon. Hangang maari, tiyak ang paninirahan sa lugar na ito, na may malinis na tubig at serbisyong kuryente, malinis na kapaligiran at sanitasyon.

Paaralan. “Edukasyon ang puputol sa Kahirapan” Ang mga eskuwelahan ng mahihirap ay higit na nangangailangan ng karagdagang pondo at magagaling na guro kaysa sa may mga kaya at nakaka-angat sa buhay.

Kalusugan. Huwag ng buwisan ang mahihirap. Magbigay ng mga murang gamot.

Pagkain. Palawakin ang bilang ng mga benipisyaryo ng programa sa pagkain ng pamahalaan. Dapat ay walang bata na matutulog ng gutom.

Pautang. Ang mga maralita ay tamang nag-iimpok upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay, subalit kinakailangan din na ang mga ahensya ng pamahalaan, tulad ng Social Housing and Finance Corporation, ay maglaan ng maliliit na halaga para sa madaliang pautang kung ang mga mamamayan ay nagnanais na magkaroon ng pagkakakitaan sa loob ng kanilang tahanan at/o pamayanan.


6. Pamamahala

Ang bawat siyudad ay dapat magkaroon ng Urban Development and Housing Board na siyang magpapatupad ng mga programa na may kaugnayan sa problemang palupa at pabahay, ng mga batayang pangangailangan sa serbisyong panlipunan at iba pang bagay kaugnay ng kagalingan ng maralita. Dapat na may kinatawan ang lupon mula sa hanay ng simbahan, mga NGO’s na direktang kaugnayan ng mga maralita at mula sa pamahalaan.


7. Katiwalian

Parusahan ang lahat ng mga lumabag sa Urban Development and Housing Act (RA 7279).




Comments

Popular posts from this blog

2013 Month of Overseas Filipinos - Davao Regional Forum

Happy Birthday Buddha!

Ihip ng Hangin - Saranggola ni Pepe