Thursday, May 08, 2008

2nd Litratong Pinoy Entry - Mahal na Ina (Beloved Mother)



Ito ang aking pangalawang entry para sa Litratong Pinoy. Ang monumento ay alay sa lahat ng mga bayani ng May 18, 1980 Demokratikong Pag-aaklas ng Gwangju na kialala sa bansag na 518. Ang monumentong ito ay matatagpuan sa Parke ng 518 sa Gwangju, Korea. Sumasagisag ang monumento sa isang ina na buhat ang namatay na anak na nag-alay ng kaniyang buhay para sa demokrasya, kapayapaan at karapatang pantao. Sa likod ng monumento ay mga pangalan ng iba pang mamayan na nag-buwis ng kanilang buhay para sa kanilang Inang Bayan. Ang 518 ay mahalaga sa kasaysayan ng Korea na nagbunsod ng demokratisasyon o kalayaan mula sa batas militar at diktadurang pamamahala. Sa kasalukuyan ang Gwangju ay pinatatanyag bilang isang mahalagang lugar ng demokratisasyon sa Asya. Ngayong buwan ng Mayo muling gugunitain ng May 18 Memorial Foundation ang ika-28 Anibersaryo ng 1980 Demokratikong Pag-aaklas ng Gwangju.

(This is my second entry to Litratong Pinoy. This monument is dedicated to all the heroes of the May 18, 1980 Gwangju Democratic Uprising, popularly known as 518. This monument is located at the 518 Park in Gwangju Korea. The monument depicts that of a mother carrying her dead son, a sacrificial lamb for human rights, peace and democracy. The 518 is regarded in Korean history as a watershed to democratization in Korea. Today Gwangju is promoted as one of Asia's hub for democracy. The May 18 Memorial Foundation commemorates this month the 28th Anniversary of the 1980 Gwangju Democratic Uprising.)

I am posting here the poem of Andress Bonifacio, Filipino revolutionary hero against the Spanish colonial rule in the early 1900. The poem depicts his love for Philippines, his beloved motherland. Below is a rendition of the poem into a song taken from you tube (posted by selvo68).



Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa,
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.

Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop.
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod:
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot

Ang nakaraang panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin
Liban pa sa bayan saan tatanghalin?
Sa aba ng abang mawalay sa bayan

Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay

Walang alaalang inaasam-asam
Kundi ang makita lupang tinubuan.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
Kahoy niyaring buhay na nilanta’t sukat
Ng bala-balaki’t makapal na hirap
Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag

Ipakahandog-handog ang buong pag-ibig
Hanggang sa may dugo’y ubusing itigis
Kung sa pagtatanggol buhay ang kapalit
Ito’y kapalaran at tunay na langit

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa wala na nga wala
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.


14 comments:

Pinky said...

Heto na ata ang pinakamasaklap na pwedeng magnyari sa isang magulang - ang mawalan ng anak. Tiyak na maloka-loka ang inang ito sa pagluluksa para sa kanyang anak.
Kalungkot naman...

ces said...

mahusay! mahusay na lahok...at informative!

lidsÜ said...

napakasakit talaga ang mawalan ng anak...

magandang huwebes sa'yo...

cathy said...

Nakakalungkot talaga mawalan ng anak, pero ang mas masakit doon.. kapag alam mong nawala siya ng walang kalaban-laban.

Nagustuhan ko ang lahok mo ngayon, lalo na ang pagbanggit mo sa tula ni Gat Andres... ung kanta niya, nakakapanindig balahibo talaga pero nakakabuhay ng pagiging makabayan! =)

ScroochChronicles said...

wala na daw sasakit sa inang nawalan ng anak..

julie said...

Kahit ano mang dahilan ng pagkamatay ng isang anak, sa pagtatanggol man sa bayan o kung ano pa, ito ay masakit, taliwas sa dapat na takbo ng buhay.

Maligayang araw sa iyo.

leapsphotoalbum said...

Ramdam na ramdam mo ang sakit at lungkot na dinadanasan ng inang iyan. Ang ganda ng monumetong, tunay na ipinapakita ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.

bluepanjeet | OTWOMD™ said...

ngayon ko lang nakita ang monumento naiyang. Isa pang monumento na aking nasilayan na may temang mag-ina ay ang monumento ni Sisa kasama si Crispin at Basilio sa NCMH sa mandaluyong.

Maligayang pagsali nga pala sa litratong Pinoy!

Vera said...

sabi nga ni vilmsa santos sa maalala mo kaya, ulila ang tawag sa anak na nawalan ng magulang, biyuda ang namatayan ng asawa pero walang tawag sa inang namatayan ng anak.

so sad.. T_T

emoterang nurse said...

may nagsabi skin na napakasakit ang pakiramdam ng ina pag nakita nya na namatay ang anak na kanyang isinilang...

i like your phot for this week...ang ganda ng sculpture...

ganda!!

happy huwebes...:)

thess said...

kahit anong tatag ng isang ina, tila mauupos na kandila ang mararamdaman kapag nawalan ng anak....

napakagandang lahok..sa susunod na Huwebes ulit!

Pete Rahon said...

sa lahat po ng nagkomento maraming salamat sa pagtangkilik, sinubkan ko po na magkomento din sa inyong mga blog subalit ang iba ay hindi ko po mabuksan kung kaya't dito ko na lang po kayo papasalamatan.

natutuwa ako dahil may bagong motivation ako ngayon sa pag-blog sa pamamagitan ng Litratong Pinoy.

Mabuhay po tayong lahat!

Teys said...

galing! okey to,

gandang LP sa iyo!

sardonic nell said...

katouch naman yan, parang nabuhay ang pagiging aktibista ko. happy mothers day to your mom!