Umaapoy, nagliliyab... nagliwanag!





nagliwanag...
nagliyab...
tulad ng puno sa gitna ng disyerto 'di masunog
ang pagmamahal ng Inang Birhen
patuloy na mag-aalab, magliliyab...
kasamaan lamang ang matutupok,
sa mga kahinaan ng mga anak na marurupok.

pag-alabin at
pagtibayin ang pananampalataya...
siya nawa.





(Larawan ng Groto ng Mahal na Birhen sa isang kumbento sa Gwangju, ROK. Epekto ng matagal na exposure sa liwanag mula sa malayong posisyon ng camera).

Comments

Anonymous said…
oo nga... bakas sa likod ng apoy ang silhouette ng Mahal na Birhen
Anonymous said…
hehe. mabagal na shutter speed, madilaw na ilaw at pasmadong kamay = dramatic shot.

happy thursday pete
Anonymous said…
Para bang me milagro?

Magandang araw ng Huwebes sa iyo :)
Anonymous said…
Ang galing! Buti na lang at pinagmasdan kong mabuti at nakita ko ang Mama Mary!

Magandang Huwebes sa yo!

http://www.bu-ge.com/2008/05/litratong-pinoy-ummapoy.html
Anonymous said…
buti na lang pinaliwanag mo kung ano ito, kundi baka di ako nakatulog sa kakaisip! hehehe

happy hottie huwebes!
Anonymous said…
Siya nawa nga!

Ganda ng konsepto mo, kapatid, mabuhay ka!
ang galing ng pagkakuha!
Haze said…
ang galing ng kuha! =)

pag walang explanation, maaring isipin na may apparition sa likod ng mga ilaw. hehe

happy LP!
Anonymous said…
ha ha, tama si Vera...sa kaso ko ganyan din nangyayari...

ang ganda ng effect nito sa larawan mo.
Anonymous said…
buti nalang sa paliwanag, medyo kinalibutan ako ng una eh! Happy Huwebes!
Anonymous said…
magandang araw ng biyernes, sensya na late ako, hehehe...
Anonymous said…
ang galing naman ng kuha mo! ang ganda ng epekto ng liwanag! at sang ayon talaga ako na PAGTIBAYIN PA LALO ANG PANANAMPALATAYA! :) dapat tulad ito ng nag-aalab na apoy.. ganun din dapat ang ating pananampalataya sa ating mga puso. :) mabuhay LP!
Anonymous said…
iba nag effect ng litrato mo... parang may spiritual beings kang nakuha sa picture.
sa lahat ng nagkokomento:

maraming salamat po sa inyo.

sinimulan ko na rin po ang paglagay ng link sa mga madalas mag-komento sa aking blog bilang pasasalamat at para mas madaling makapasyal sa inyong blogs. Kung nais po ninyo na mapasama sa link, ipagbigay alam lang po sa akin.

maraming salamat muli at sa susunod na Larawan ng Huwebes o Litratong Pinoy...
Anonymous said…
talagang tinitigan ko pang maigit ang litrato. hee hee. ang galing naman at talagang pinagisipan. :)

maligayang linggo!

Apoy sa Langit
Apoy sa Keyk

Popular posts from this blog

2013 Month of Overseas Filipinos - Davao Regional Forum

Happy Birthday Buddha!

Ihip ng Hangin - Saranggola ni Pepe