Ang Tatay Ko Bagong Bayani!

Si G. Cecilio Gamit Rahon Sr. karga si Amon-ra.


Larawan ng aking tatay, lolo ni Amon-ra. Candid shot, dahil natuwa akong magkukuha ng mga larawan habang abala ang lahat. Ang okasyon ng larawang ito ay ang double birthday celebration ng itay ni Amon-ra (kapatid kong si Raymond E. Rahon) at ni Ayen, anak nina Ryan at Vjoy na nagbakasyon mula sa US, kaya't naging Bienvenida na rin para sa kanilang mag-asawa at gayundin sa akin.

Si tatay, isang katangian niya na hanga kaming lahat ay ang pagiging hardworking, tipikal na Ilocano, masipag at matiyaga. Isa rin siya sa laging nagpapangaral sa amin na dapat marunong makisama, nagsimulang maging international seaman noong 1970's, ang katangiang ito ang nakatulong sa kaniyang igpawan ang hirap at lungkot ng buhay sa laot. At tulad niya, kaming mga anak na karamihan OFW malaking bagay talaga kung marunong kang makisama lalo na sa mga taong iba ang kultura.

Mula sa pagiging mekaniko (automotive) nagsikap si tatay na matuto sa makina ng barko, kung kaya't naging inhenyero sa barko ng San Miguel Corporation na nagdedeliver ng Magnolia Ice Cream sa ibat-ibang pulo (inter-sialnd shipping) ng Pilipinas. At natulungan ng aming pinsan na makasakay ng barko pang-international. Walang pormal na schooling si tatay dahil maluwag pa noon ang sistema sa pagsakay sa barko. Hindi tulad ngayon sabi nga ng aking kapatid na seaman din inaasahan sila ng mga kompanya na maging "renaissance man" - maalam sa computer, sa radio communications, navigation, survival skills at kung ano-ano pang skills para tumaas ang rango. Ang mga Filipino seamen yata ay ang mga OFWs na tadtad sa eksamen bago tumaas ang rango. Kung kaya't napakalaking gastusin nila na mag-review at kumuha ng exam. Subalit may mga kompanya minsan na hindi ka agad makakasakay at magagamit ang bagong lisensiya. Dapat may palugit din na dalawang sakay bago muling makapag-eksamen para sa susunod na rango.

Sipag, tiyaga at pakikisama ang naging puhunan ni tatay para makapag-aral kaming lahat na magkakapatid. Hindi pa uso ang reintegration program para sa mga OFW noong bumaba siya sa pagsakay sa barko. Kung kaya't ngayon balik sa pagsasaka at payak na buhay. May konting naipon at naipundar subalit hindi sapat para sana mas maginhawa ang kaniyang pamumuhay. Subalit alam ko na masaya siya dahil maliban sa mga anak na napag-aral marami din siyang mga kamag-anak na natulungan. Dahil lagi naman ang buhay ng isang OFW ay hindi lang laan sa kaniyang pamilya kundi sa kamag-anak, sa kababayan at maging sa buong bayan. Di nga ba't ang tawag sa kanila ay bagong bayani.

Ang tatay ko Bagong Bayani!

Comments

Anonymous said…
kitang kita sa larawang ito kung gaano magmahal at mag-aruga ang ginoong ama!
Chrys said…
Dad's are our personal hero definitely!
Anonymous said…
maligayang araw ng huwebes pete... :)
Anonymous said…
Saludo ako sa ama mo, Pete. Kahit na nahirapan siya tunay pa rin siyang nag pursige at ang pinakamahalaga ay siya ay naging masaya.

Maligayang LP!
Anonymous said…
Ibig mong sabihin wala siyang pensyon sa lahat ng pagsisikap niya noong kabataan niya?
Anonymous said…
mabuhay ang iyong ama! :D
Anonymous said…
mabuhay ang ang lahat ng ama na gaya sa iyo...

isang tunay na ilokano...

isang tunay na Pilipino.
Anonymous said…
ang ganda ng tribute mo sa iyong ama. :)

Busymom: LP2 Itay (Father)
Strawberrygurl: LP12 Itay (Father)
Lizeth said…
tunay ngang bayani!

ang kasipagan nya at pagtityaga ay dapat nating tularanƜ
Anonymous said…
ang nanay ko nga pala ay ilocana rin...

ngapala, natanong ko ang tungkol sa pensyon... kasi pag may nakikita akong matatanda dito na nagtutulak ng kariton (alam mo yun?) naiisip ko na hindi na nila dapat ginagawa yun... na sa edad nila dapat ay nae-enjoy na nila ang natitira nilang panahon...
Dyes said…
talagang napaka importante na masipag ang mga tatay, ano? mabuhay ang mga tatay!
Santa editorial said…
indeed, he is. :-)
Anonymous said…
ang galing ng iyong ama. talagang hirap at pagod dadaanan ng ama para sa kanyang mga anak. mabuhay ang mga ama! ^^

maligayang paglilitrato! :)
Anonymous said…
napakagandang tribute nito para sa iyong ama. ikatutuwa niya ang iyong isinulat. bayani nga siyang talaga. :)

Bagong Ama
Magkalaro, Magkaibigan, Mag-ama
Marites said…
hindi nga basta-basta ang sakripisyo ng isang amang mapalayo sa pamilya para lang mabigyan sila ng mabuting kinabukasan
fcb said…
ang sarap kumuha ng candid no? tila di lang litrato ang na-c-capture ng camera pati character ng mga subjects mo sa kanilang mga ginagawa na nahuhuli ng shot mo :D

ang daddy ko din ay malayo samin nung lumalaki kami. sa america sya tumira dahil citizens ang mga magulang nya noon. pero dahil sa hirap ng buhay doon - walang yaya, etc - napagpasyahan nila ng aking ina na dito na lang muna kaming magkakapatid sa pilipinas.

can relate ako sa sakripisyong sinasabi mo!

maligayang LP!
Anonymous said…
ANg galing, ganyan talaga ang mga tatay, gagawin lahat para sa mga anak :)
Anonymous said…
Pete, saludo ako sa iyong ama!!

nakaaktuwang tingnan si lolo at apo :)

Popular posts from this blog

2013 Month of Overseas Filipinos - Davao Regional Forum

Happy Birthday Buddha!

Ihip ng Hangin - Saranggola ni Pepe